Posted by: pocketbookaddicts on: January 16, 2009
Buy your favorite tagalog pocketbooks @ www.pinoypocketbooks.com

Pinoypocketboks.com
Posted by: pocketbookaddicts on: January 14, 2009
Sayang ang konti lang ng exposure ni Vanessa!
Posted by: pocketbookaddicts on: October 12, 2008
HTML clipboard

“Sana, sana, sana maibalik niya kahit isang gabi lamang
ang panahong masaya pa sila ni Bianca. For the night
was so sad and he simply had to stop lying to himself
even if only for a while – he missed her so damn much. “
Attorney Wulfredo Resplandor was a respected and famous lawyer and the president of Territorio de los Hombres. Mulas sa pamilya ng mga basagulero at siga, nagawa niyang magtagumpay sa kanyang matinding pagsisikap. Dugo, pawis at pasakit ang puhunan niya makamit lamang ang kanyang mga pangarap. Now he had everything he only used to dream about – ang more.
Walang mag-aakalang ang mga gabi niya ay puno ng kahungkagan at pangungulila sa isang babaeng dapat ay matagal na niyang kinalimutan – si Bianca. Damn her for playing with his emotions, for not staying true to her words…
HTML clipboard

“I lived like a zombie through years you were
not around. You want to know why? Because you’re my life.”
Kinailangan ni Bianca ang tulong ni Wulfredo. Napakaraming taon ang nakapagitan sa kanila at hindi niya alam kung paano niya muling haharapin ito. At muli nga ay nagkita sila. Ibang-iba na ito sa Wulfredo na noon ay labis na minahal niya. He was cold, he was distant. But he helped her. Or she thought he did. Sapagkat may kabayaran pala ang tulong na iyon…
Posted by: pocketbookaddicts on: October 12, 2008

Territorio de los Hombres 10
“Avid fan mo ako, Lahat ng interview mo,
inaabangan ko, ayoko mang tanggapin. In the
midst of all our bickerings, I fell in love with you.”
Hindi maganda ang samahan nina Laura de la Cruz, ang presidential daughter, at ni Jose Maria Asilo, ang anak ng bise-presidente ng bansa. Kahit sabihing kapwa nila kaibigan si Salvador tercero, ang anak ng defense secretary, ay sadyang hindi sila magkasundong dalawa.
Alam ni Laura kung paano aasarin nang todo ang binata. Mayabang na ipinapahayag niya ritong sa kanyang opinyon ay may gusto ito sa kanya. Pikon na pikon ito sa kanya.
But then things changed. Unti-unti silang nagkasundo, upang muli lamang na maging magkaaway. Sa pagkakataong ito, mas malala pa ang away nila kaysa sa unang pagtatalo nila.
Noon dumating ang isang malaking problema sa buhay ni Laura na maaaring makapagpabago sa kanyang buhay at makasira sa pangalan ng kanyang ama. Wala siyang ibang mahingan ng tulong kundi si Salvador Tercero.
At nang araw na dapat silang magtagpo, iba ang dumating – si Jose Maria.
Posted by: pocketbookaddicts on: October 12, 2008

Territorio de los Hombres 9
“I’ve dreamt of this for so long that when
it finally happened I refused to believe it was true.”
Personal assistant and lover. Iyon ang ilang taon nang papel ni Esmeralda sa buhay ni Salvador Tercero, isang abalang negosyante at anak ng miyembro ng gabinete ng bansa. She never asked him for anything. ayaw niyang maging mapaghanap dahil nangangamba siyang mawala ito.
Hanggang sa dumating ang puntong maalala niya ang kanyang sarili. Nagsimula siyang pagtuunan ng pansin ang lahat ng bagay na ipinagpaliban niya para lamang makapiling ang binata.
Ipinagtapat niya rito ang lahat. She spoke to him as Esmeralda, the woman, not Esmeralda the assistant-lover. Natuklasan niya kung hanggang saan lamang ang kayang ibigay nito sa kanya. Nalaman niyand wala itong nakalaan na posisyon sa buhay nito para sa kanyang hinaharap.
She decided to move on with her life without him. that was when she met an accident that would change her life forever…
Posted by: pocketbookaddicts on: October 12, 2008

Territorio de los Hombres 8
“Parang kulang ang buong araw
sa ‘kin kapag kasama kita.”
There was arrogance in his gait. He walked as if he owned the room. He was tall. He looked rough on the edges. He was oozing with raw masculinity. He looked bold, sharp, dangerous.
Nang makalapit ito sa kanya ay hindi pa rin ito ngumiti. Naupo ito sa tapat niya.
“Sophia San Isidro,” he said. He seemed bored.
“Pablito Alzate,” balik niya. Hindi na siya nag-abalang magpakita ng ngiti rito. What for? “I already ordered for us. Nainip na ako sa kahihintay.”
Kumunot ang noo nito, humalukipkip habang nakatingin sa kanyang mukha. “What makes you think you know what I like?”
“For God’s sake, it’s just food.” Nairita siya.
“What did you order for me?”
“Chicken.”
“Then I guess you don’t know me at all. Do you know what I want to have for dinner?”
“What?”
Ngumisi ito, saka sumagot. “You.”
Posted by: pocketbookaddicts on: October 12, 2008
HTML clipboard

Territorio de los Hombres 7
Hindi siya magsasawa kailanman sa mga labi nito.
At hindi na niya kailangan pang hanap-hanapin ang
mga labing iyon. They were hers forever.
Dahil sa pag-iwas ni Ella sa ina ng lalaking tinakbuhan niya sa altar ay nakarating siya sa Territorio de los Hombres. Doon ay nakita niya ang lasing na si Carmencito Escarlan, isa sa mga kaibigan ng pinsan niya at isa rin sa mga may-ari ng lugar.
Masaya silang nagkwentuhan kahit hindi nito maalala kung sino siya. Hindi niya ipinakilala ang kanyang sarili rito. At mukhang hindi rin ito interesado roon. Mukhang mas interesado ito sa maaaring mangyari sa kanila. At kataka-takang ganoon din siya. They ended up having sex in his house.
Lito ang isip, pinili niyang takasan ito. Ngunit hindi pala niya magagawa iyon habang-buhay. Dahil sa isang gabi ng kabaliwan ay nabuo ang isang inosenteng nilalang.
Paano niya ngayon ipapaliwanag iyon dito gayong ni hindi nga nito matandaang may nangyari sa kanila?
Posted by: pocketbookaddicts on: October 12, 2008

Territorio de los Hombres 6
“Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ka nagiging akin.
Ano’ng gagawin ko para magkaroon ng “tayo”?
Sabihin mo sa ‘kin dahil gagawin ko ang lahat para sa ‘yo.”
Anton was popular, rich, and powerful. He has the world in his hands. When he met Violet, he tried to drive her away. He never wanted to take advantage of her. Naiilang siya sa babaeng parating naroon kahit saan siya magpunta. But he found it hard to keep resisting her for she was a very beautiful woman.
One night, something happened to them. He avoided her all the more. Suddenly she stopped being there. And he wanted to move heaven and earth to have her again.
Posted by: pocketbookaddicts on: October 12, 2008
HTML clipboard

“I will marry you in all seven continents.
That way, you can never get rid of me.”
Napilitan si Elma na magpakasal kay Kiko dahil iyon ang hiniling ng mommy nito bilang kapalit ng lahat ng ari-ariang naisangla rito ng kanyang mga magulang. Sa umpisa lang siya nag-alangan. Sa huli ay naisip niyang hindi na masam ang deal kung makukuha naman niya ang lahat ng pinaghirapan ng mga magulang niya.
Halata namang napilitan din lang si Kiko na magpakasal sa kanya at bago pa man naganap ang seremonya ay usapan na nilang wala silang pakialamanan sa buhay ng isa’t isa.
Ang akala niya ay ganoon lamang kadali iyon, ngunit natagpuan niya ang sariling gustong makialam sa buhay nito. Lalung-lalo na sa sex life nitong tila wala itong balak na itago sa kanya. Ang sabi pa nito: “I’m a man with needs. And since my wife cannot provide me with those, I figured I should get them from other women since I could.”
Aba, boxing na ‘to!
Posted by: pocketbookaddicts on: October 12, 2008
Territorio de los Hombres 4

“I wanna marry her and put her up
on a pedestal if only she’d let me.”
Maraming pagkakamali sa buhay si Kristina. Isa na roon ang wala sa panahong pagkakaroon niya ng anak na walang nagisnang ama.Hindi siya naghahanap ng katuwang sa buhay. Kontento na siya sa pagmamahal ng kanyang anak. Ngunit sa isang di-inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay niya si Urbino—ang dating nobyo ng kanyang kapatid at matagal na niyang lihim na minamahal. Parang hulog ng langit ito na naging sagot sa kanyang mga dasal. Napakalaki ng puso nito para tanggapin ang lahat-lahat sa kanya, pati na ang ginawang pag-iwan dito ng kapatid niya sa araw ng kasal ng mga ito. Ipinakita nito ang labis na pagmamahal nito sa kanya at inalok pa siya nito ng kasal.Dahil doon ay nagsimula siyang humabi ng mga pangarap—pangarap na agad ding gumuho nang sa araw ng kanilang kasal ay hindi ito dumating…
Recent Comments