Posted by: pocketbookaddicts on: October 12, 2008
HTML clipboard

Territorio de los Hombres 7
Hindi siya magsasawa kailanman sa mga labi nito.
At hindi na niya kailangan pang hanap-hanapin ang
mga labing iyon. They were hers forever.
Dahil sa pag-iwas ni Ella sa ina ng lalaking tinakbuhan niya sa altar ay nakarating siya sa Territorio de los Hombres. Doon ay nakita niya ang lasing na si Carmencito Escarlan, isa sa mga kaibigan ng pinsan niya at isa rin sa mga may-ari ng lugar.
Masaya silang nagkwentuhan kahit hindi nito maalala kung sino siya. Hindi niya ipinakilala ang kanyang sarili rito. At mukhang hindi rin ito interesado roon. Mukhang mas interesado ito sa maaaring mangyari sa kanila. At kataka-takang ganoon din siya. They ended up having sex in his house.
Lito ang isip, pinili niyang takasan ito. Ngunit hindi pala niya magagawa iyon habang-buhay. Dahil sa isang gabi ng kabaliwan ay nabuo ang isang inosenteng nilalang.
Paano niya ngayon ipapaliwanag iyon dito gayong ni hindi nga nito matandaang may nangyari sa kanila?
December 23, 2008 at 9:27 pm
ang ganda -ganda ng istorya….
sana ma read q 2…/